SONA 2018: “Your concern is human rights, mine is human lives”

MANILA — Sa kakatapos lamang na pangatlong SONA o State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Batasang Pambansa noong Hulyo 23, tinalakay niya ang iba’t-ibang isyu sa bansa, tulad ng war on drugs, corruption, Bangsamoro Organic Law, federalism at iba pa.

Tumagal ang talumpati ni Pangulong Duterte nang 48 na minuto. Ayon sa Presidential spokesman Harry Roque, ang SONA sa taong ito ay naiiba sa mga tradisyunal na SONA sa mga nakaraang taon. Sapagkat, hindi ito pumatungkol sa mga nakamit ng ating bansa sa mga lumipas na taon bagkus ito ay tungkol sa layunin ng ating Pangulo para sa ating bansa sa mga susunod na 12 buwan.

Narito ang ilan sa mga tinalakay ng ating Pangulo sa kaniyang SONA at ang aking opinyon mula rito:

Unang-una ay ang war on drugs.

Let me begin by putting it bluntly: the war against illegal drugs is far from over... – I can only shudder at the harm that those drugs could have caused had they reached the streets of every province, city, municipality, barangay and community throughout the country.

Sa pagsisimula pa lamang ng Duterte Administration, binigyang-diin agad nila ang pagsugpo sa droga. Matatandaan na umabot ng halos milyon ang mga drug users at pushers ang sumuko sa mga pulisya sa ikalawang taon pa lamang ng termino ng Pangulo, patunay na kontrolado at epektibo ang proyekto ng gobyerno na Oplan Tokhang. Ngunit kabi-kabila rin ang namamatay at pinapatay dahil dito. Marami ang nagsasabi o nagpoprotesta na lumalabag raw ito sa human rights.

Para sa akin, nagpoprotesta lamang sila laban sa Oplan Tokhang o sa mga patayang nagaganap ngunit nasaan sila para magprotesta laban sa droga? Kung walang droga, walang patayang magaganap. Tama ang pahayag ni Pangulong Duterte, sinisira ng droga ang buhay ng bawat taong gumagamit nito kaya humahantong ito sa madugong laban kontra-droga.

Pangalawa ay ang corruption.

Corruption is like a leech that it bleeds the government of funds programmed for its infrastructure and other social development projects. It saps the morale or the morale of dedicated and honest government workers.

Bago ako magbigay ng opinyon tungkol dito, ano nga ba muna ang corruption o katiwalian? Sa mababaw na pagpapakahulugan, ang korupsyon ay ang maling paggamit ng pampublikong kapangyarihan, sa pamamagitan ng inihalal na pulitiko o itinalaga na sibil na lingkod, para sa pansariling pakinabang.

Hindi mawawala ang korupsyon, lalo na sa politika. Sabi nga ng Pangulo, ang katiwalian ay ang sumisira sa mga taong bumibigay sa tukso nito. At sa huli, ang mga walang-sala at inosente ay siya pang magbibitbit ng masamang dulot nito.

Karma at hustisya na ang bahala sa mga politikong kinukurakot ang pondo ng pamahalaan.

Mga pinagkunan ng impormasyon:

https://jip.ph/full-text-dutertes-2018-sona-speech/

Advertisements

The Journey Begins

Thanks for joining me!

In the end, she became

more than what she expected.

She became the journey

and like every other journeys,

she did not end, she just

simply changed directions

and kept going. — Robert M. Drake